Inanunsyo na ng French Pharmaceutical giant na Sanofi na inaprubahan na ng Food and Drugs Administration ang marketing o pagbebenta ng Dengvaxia, isang tetravalent vaccine na magagamit upang makaiwas sa dengue fever.
Ayon kay Olivier Charmeil, President at CEO ng Sanofi Pasteur, maituturing na isang ‘milestone’ ang pagbibigay ng marketing approval ng Pilipinas sa dengue vaccine dahil kauna-unahan ito sa buong Asya.
Patunay lamang ito aniya ng tuluy-tuloy nilang hangarin na matulungan at maproteksyunan ang mga mamamayan ng mga bansang may mataas na kaso ng dengue.
Una nang naaprubahan ang pagbebenta ng naturang dengue vaccine sa Mexico nito lamang unang bahagi ng December.
Maaring magamit bilang bakuna ang Dengvaxia ng mga nasa edad 9 hanggang 45 na taong gulang na nakatira sa mga lugar na maraming naitatalang kaso ng dengue.
Dagdag pa ni Charmeil, epektibo ang bakuna sa lahat ng apat na strain ng dengue na mayroon ngayon.
Ayon sa World Health Organization, umaabot sa 400 milyon ang nagkakasakit ng dengue taun-taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.