LPA na binabantayan ng PAGASA papasok sa bansa sa Linggo o Lunes
Posibleng maging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw, ayon sa PAGASA.
Sinabi ng weather bureau na huling namataan ang sama ng panahon sa 2,275 kilometers sa Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, maaring pumasok ang LPA sa araw ng Linggo o Lunes.
Gayunman, wala aniyang indikasyon na tatama ito sa kalupaan.
Samantala, southwest monsoon o hanging habagat ang patuloy na nakaaapekto sa extreme Northern Luzon.
Nagsimula na ring umiral ang maulap na kalangitan na may isolated rains sa bahagi ng Eastern Visayas at Mindanao.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa bahagi ng Metro Manila at nalalabing parte ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.