Ito ay dahil maaabot na ni Del Castillo ang mandatory retirement age sa July 29.
Kabilang sa shortlist ang apat na Court of Appeals Associate Justice na sina:
– Apolinario Bruselas Jr.
– Japar Dimaampao
– Jhosep Lopez
– Rodil Zalameda
Kasama rin sa listahan sina Court of Tax Appeals Presiding Justice Ramon Del Rosario Garcia at Court Administrator Jose Midas Marquez.
Isusumite ang shortlist kay Pangulong Rodrigo Duterte para pumili ng kaniyang ika-10 appointee sa Korte Suprema.
Inaasahan namang magtatalaga si Duterte ng panibagong Punong Mahistrado at tatlo pang Associate Justice bago matapos ang taong 2019.