259 aftershocks, naitala matapos ang 5.6 magnitude na lindol sa North Cotabato
Patuloy na nararamdaman ang aftershocks matapos ang tumamang magnitude 5.6 na lindol sa North Cotabato.
Sa tala ng Phivolcs, pumalo na sa 259 ang naitalang aftershocks matapos ang lindol sa bayan ng Makilala.
Ito ay mula nang yumanig ang lindol noong July 9 hanggang 9:00, Biyernes ng umaga (July 12).
Inihanay ang lindol sa number 4 o ‘very strong’ na Earthquake Intensity Scale sa mga bayan ng Makilala, Kidapawan City, Matalam, M’lang, Antipas at Tulunan.
Wala namang nasawi at nasugatan sa mga aftershock sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.