Isa pang suicide bomber sa Sulu, posibleng Pinoy din – PNP

Posibleng Filipino rin ang ikalawang suicide bomber sa kambal na pagsabog sa isang kampo ng militar sa Indanan, Sulu ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na maaring Pinoy ang ikalawang suicide bomber.

Gayunman, maaari rin naman aniyang isa itong banyaga.

Aniya, hindi pa ito makukumpirma ng mga otoridad dahil wala silang mapagbatayan ng DNA at wala ring umaangkin o kumukuha sa natitirang bahagi ng katawan nito.

Nauna nang inanunsiyo ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na Pinoy ang isang suicide bomber na kinilalang si Norman Lasuca na kinumpirma naman ng ina nito na si Vilma Alam Lasuca.

Gayunman, dahil sa insidente, sinabi ni Albayalde na papaigtingin at papalaksin pa ang intelligence force katuwang ang militar para malabanan ang mga banta ng terorismo.

Read more...