Sinuspinde ang ramp movement pra sa mga eroplano at ground personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay makaraang itaas ang lightning red alert sa NAIA alas 4:49 ng hapon ng Biyernes, July 12.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kailangang ipatupad ang suspension sa ramp movement para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero at ground personnel.
Nag-abiso ang MIAA na maaring maapektuhan ang flights at maaring magdulot ng delays kung mapapahaba ang pag-iral ng lightning red alert.
Alas 5:29 ng hapon nang ibaba na sa yellow ang lightning alert.
Humingi ng paumanhin ang MIAA sa mga pasahero sa bahagyang pagkaantala ng mga biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.