Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin
Iiral ang heavy to intense rain showers sa Metro Manila, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Pampanga.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:40 ng hapon, mararanasan ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Uulanin ang Metro Manila partikular sa Quezon City, Caloocan, Valenzuela, Navotas at Malabon.
Parehong sama ng panahon din ang mararanasan sa Bulacan, Paombong, Hagonoy, Santa Maria, Angat sa Bulacan at Rodriguez sa Rizal.
Apektado rin ng pag-ulan ang Naic, Ternate, Maragondon, Trece Martires, Indang, General Emilio Aguinaldo, Magallanes at Alfonso sa Cavite; Nasugbu, Calaca, Laurel, Agoncillo, Cuenca, Alitagtag, Lipa, San Jose, Ibaan sa Batangas at maging sa Quezon partikular sa Lucena, Alabat, Quezon, Catanauan, General Luna, Macalelon, Atimonan, Padre Burgos, Plaridel, Gumaca, Agdangan, Unisan at Pitogo.
Nag-abiso naman ang PAGASA sa mga apektadong residente na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.