Umapela ang isang human rights group sa mga pamilya ng mga biktima ng kampanya kontra sa ilegal na droga na mag-report o ibahagi ang kanilang istorya sa United Nations.
Ito ay para sa resolusyon sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na magsagawa ng imbestigasyon sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Hinikayat ni Emily Soriano mula sa Rise Up for Life and for Rights ang mga pamilya na makiisa sa kanilang adbokasiya.
Aniya, alam nito ang nararamdamang takot o galit ng mga pamilya ngunit, maari aniyang mahinto ang patayan kung sama-samang gagawa ng aksyon para labanan ito.
Sinabi pa nito na nakikinig ang mundo sa kanilang mga hinaing.
Maliban dito, humingi rin ng suporta si Rise Up coodinator Rubylin Lintao mula sa Simbahang Katolika, community organizations at sa lahat ng Filipino na suportahan ang mga pamilyang apektado ng war on drugs para muling makabangon.
Aniya, makatutulong ito sa bubuoing comprehensive report para sa UNHRC.