Bilang ng nasawi sa banggaan ng dalawang tren sa Pakistan, umabot na sa 23

By Angellic Jordan July 12, 2019 - 04:17 PM

Umakyat na sa 23 ang bilang ng mga nasawi sa banggaan ng dalawang tren sa central Pakistan.

Nabangga ng isang pampasaherong tren mula sa Lahore ang isang nakahintong tren sa Rahim Yar Khan district sa probinsya ng Punjab.

Ayon sa senior official ng Pakistan Railways, nadagdagan ang bilang matapos masawi ang ilang isinugod na biktima sa iba’t ibang ospital.

Samantala, nasa kabuuang 73 katao aniya ang bilang ng mga nasugatan sa aksidente.

Kinumpirma naman nito na naalis na ng mga rescuer ang lahat ng nasawi at nasugatan sa pinangyarihan ng aksidente.

Nakatutok na aniya ang mga otoridad sa pag-aayos ng track line ng tren.

Kasunod nito, ipinag-utos ni Prime Minister Imran Khan sa railways minister na gumawa ng agarang aksyon para matiyak ang safety standards sa mga tren.

 

TAGS: Lahore, Prime Minister Imran Khan, Rahim Yar Khan district, Lahore, Prime Minister Imran Khan, Rahim Yar Khan district

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.