Malakanyang, itinanggging may memorandum ukol sa ‘no contact apprehension’ sa TNVS operators, drivers

By Angellic Jordan July 12, 2019 - 03:34 PM

 

Itinanggi ng Palasyo ng Malakanyang na mayroong pinirmahalng memorandum si Executive Secretary Salvador Medialdea ukol sa ‘no contact apprehension’ para sa mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) driver at operator.

Sa inilabas na pahayag, inabisuhan ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang publiko na peke ang dokumento partikular ang Memorandum No. 636.

Kumalat ang pekeng dokumento sa isang grupo ng mga TNVS driver at operator na nagsagawa ng protesta, Biyernes ng umaga.

Humingi pa ng tulong ang grupo sa mga mambabatas sa Kamara para sa paglalatag ng malinaw na polisiya para sa TNVS.

TAGS: Executive Salvador Medialdea, Memorandum No. 636., Transportation Network Vehicle Services (TNVS), Executive Salvador Medialdea, Memorandum No. 636., Transportation Network Vehicle Services (TNVS)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.