PTFoMS, kinondena ang pagpatay sa isang radio station manager sa Kidapawan City

By Angellic Jordan July 12, 2019 - 03:20 PM

 

Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagpatay sa isang radio station manager sa Kidapawan City, Cotabato. 

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng PTFoMS na lubos nilang ikinalulungkot ang pagpatay kay Brigada News FM – Kidapawan Station Manager Eduardo Dizon.

Sakay ng kaniyang motorsiklo, binabagtas ni Dizon ang Maharlika Highway pauwi sana sa kanilang bahay nang biglang tambangan bandang 10:05, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa task force, nasawi si Dizon matapos magtamo ng limang tama ng bala sa katawan.

Pupunta naman si PTFoMS Executive Director Jose Joel Sy Egco para personal na makiramay sa pamilya at kaibigan ni Dizon.

Tiniyak nito na tuloy ang hot pursuit operation para matugis ang mga responsable sa krimen.

TAGS: Brigada News FM - Kidapawan Station Manager Sanchez Dizon, Jose Joel Sy Egco, Kidapawan City, Maharlika Highway\, Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), Brigada News FM - Kidapawan Station Manager Sanchez Dizon, Jose Joel Sy Egco, Kidapawan City, Maharlika Highway\, Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.