Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa North Cotabato, Biyernes ng tanghali.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 19 kilometers Southwest ng Makilala bandang 12:16 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 18 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang Intensity 2 sa Kidapawan City.
Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershocks ng yumanig na 5.6 magnitude na lindol sa North Cotabato noong July 9.
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES