R&B singer na si R. Kelly inaresto sa Chicago

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 02:58 PM SHARE(S):

Inaresto sa Chicago ang Grammy Award-winning singer na si R. Kelly dahil sa federal sex crime charges.

Sa ulat, dinakip ang 52 anyos na singer ng mga tauhan ng New York police detectives and investigators at Department of Homeland Security.

Una nang napaulat na si Kelly ay may kinakaharap na 13 bilang ng sex crime charges.

Ilang ulit nang itinanggi ng R&B singer ang pagkakasangkot sa kaso ng pang-aabuso.

Iniulat din ng local media sa Chicago na kinumpirma na ng abogado ni Kelly na si Atty. Steve Greenberg na dinakip ang kaniyang kliyente pero tumanggi na itong magbigay ng iba pang detalye.

Ang kaso ni Kelly ay may katapat na parusang 30 taong pagkakabilanggo kung sya ay mapatutunayang guilty.

TAGS: Chicago, federal sex crime charges, R. Kelly, sex crimes, Chicago, federal sex crime charges, R. Kelly, sex crimes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.