US envoy Sung Kim bilib kay Manila Mayor Isko Moreno; tinawag na ‘rockstar’ ang alkalde

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 02:45 PM SHARE(S):

Pinuri ni United States Ambassador to the Philippines Sung Kim si Manila Mayor Isko Moreno.

Nag-courtesy call ang alkalde kay Kim, araw ng Biyernes, July 12.

Sa kanilang pagkikita, tinawag ni Kim na ‘rockstar’ si Moreno dahil sa mga pagbabagong ginawa nito sa sandali pa lamang na panunungkulan sa pwesto.

Ibinahagi din ni Kim sa kaniyang official twitter account ang larawan nila ng alkalde.

Sa caption, sinabi ni Kim na masaya siyang marinig ang mga prayoridad at plano ni Moreno para sa lungsod ng Maynila.

TAGS: Ambassador Sung Kim, manila, Mayor Isko Moreno, Ambassador Sung Kim, manila, Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.