Dating Budget Sec. Andaya tumangging maghain ng plea sa kinakaharap na kasong katiwalian

July 12, 2019 - 01:57 PM

Binasahan na ng sakdal ng Sandiganbayan 3rd division si dating Budget Secretary at Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Tumanggi namang maghain ng plea para sa kasong graft at malversation si Andaya dahilan upang ang korte na ang magpasok ng not guilty plea para sa kanya.

Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure ang kapag hindi nagpasok ng plea ang akusado ang korte na ang magpapasok ng not guilty plea para sa kanya.

Ang kaso ay may kaugnayan sa Malampaya fund na nagkakahalaga ng P900M.

Sa information na inihain ng Ombudsman sinasabing iligal na inilaan ni Andaya ang pondo para sa mga nabiktima ng bagyong Paeng at Ondoy noong 2009 kung saan siya ang nakaupong budget secretary.

Co-accused ni Andaya si Janet Lim Napoles na present din sa arraignment.

Sinasabing napunta ang pondo sa bogus NGO ni Napoles.

TAGS: graft, janet lim-napoles, malversation, Rolando Andaya, sandiganbayan, graft, janet lim-napoles, malversation, Rolando Andaya, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.