Ilang lansangan sasailalim sa repair at reblocking ngayong weekend

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 01:09 PM SHARE(S):

Sasailalim sa road repair at reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.

Ayon sa DPWH, magsisimula ang pagsasara ng mga aayusing kalsada alas 11:00 ng gabi ngayong Biyernes, July 12, 2019 at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes, July 15, 2019.

Kabilang sa maaapektuhan ang mga sumusunod na kalsada:

EDSA SOUTHBOUND:
– mula Guzent Construction Equipment Sales and Rental hanggang Culiat Bridge, 1st lane mula sa sidewalk
– Magallanes hanggang Baclaran Bus Stop patungong Magallanes hanggang Alabang Bus Stop, outer lane;
– mula Eugenio Lopez Drive hanggang Scout Borromeo

EDSA NORTHBOUND:
– paglagpas ng Aurora Boulevard Service Road, 2nd lane mula sa sidewalk.

C5 NORTHBOUND:
– mula sa harap ng SM Aura, 3rd lane from median

C5 SOUTHBOUND:
– mula sa harap ng SM Aura, 2nd lane from median

KATIPUNAN SOUTHBOUND:
– paglagpas ng P. Tuazon, 2nd lane mula sa sidewalk

QUIRINO HIGHWAY WESTBOUND
– mula sa Kingfisher Street hanggang Primerose Street, 2nd lane mula sa sidewalk

GENERAL LUIS WESTBOUND
– mula sa Pascual Street hanggang Oriental Tin

REGALADO NORTHBOUND
– Mula Mindanao Avenue Exit hanggang Quirino Highway, 2nd lane mula sa sidewalk

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga kalsada ngayong weekend para hindi maabala.

TAGS: DPWH, road reblocking, road repair, weekend repair, DPWH, road reblocking, road repair, weekend repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.