4 arestado sa buy-bust sa Lucena

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 12:56 PM SHARE(S):

Arestado ang apat na katao sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Teresita Escalona, 53; Princess May Meralles, 20; Ruel Meralles, 40; at Wilson Barameda, 30.

Dinakip ang apat matapos positibong makabili ng ilegal na droga ang undercover police officer sa Barangay Mayao Crossing Biyernes, July 12 ng madaling araw.

Nakuha sa mga suspek ang siyam na plastic sachets ng shabu na may bigat na 26.3 grams at tinatayang aabot sa P145,965 ang halaga sa street market.

Ayon sa mga otoridad ang grupo ng mga nadakip ay notoryus na supplier ng ilegal na droga sa mga street-level pushers sa barangay at mga kalapit na lugar.

TAGS: 4 arrested, buy bust, Lucena City, War on drugs, 4 arrested, buy bust, Lucena City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.