P800,000 halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa isang menor de edad sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 12:32 PM SHARE(S):

Arestado ang isang menor de edad sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Duljo Fatima sa Cebu City.

Nakumpiska sa 17 anyos na suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P800,000.

Inamin naman ng menor de edad sa mga pulis na siya ay nagtatrabaho bilang drug courier.

Ayon ka Police Major Francis Renz Talosig, precinct commander ng Mambaling Police Station dadalhin sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang nadakip na menor de edad.

TAGS: buy bust operation, Cebu City, Radyo Inquirer, War on drugs, buy bust operation, Cebu City, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.