DOJ bubuo ng Special Investigation Team sa kaso ng pagpatay sa radio anchor sa Kidapawan
Ipinag-utos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagbuo ng Special Investigation Team para imbestigahan ang kaso ng pagpatay sa radio commentator na si Eduardo “Ed” Dizon ng Kidapawan City.
Ayon kay Guevarra ang team ay bubuuin ng mga piskal na tutulong sa pag-build up ng kaso at makikipag-ugnayan sa law enforcement kabilang na ang National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ni Guevarra na nakabuo na rin noong parehong SITs ang DOJ sa iba pang mga kaso ng pagpatay sa mga human rights advocates, labor advocates at iba pa.
Si Dizon ay binaril habang nagmamaneho ng kaniyang kotse sa Makilala, North Cotabato.
Katatapos lamang noon magprograma ni Dizon sa radio station sa Kidapawan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.