Klase sa dalawang paaralan sa Zamboanga City sinuspinde dahil sa pagdami ng lamok

By Jimmy Tamayo July 12, 2019 - 12:12 PM

Dalawang araw nang suspendido ang klase sa dalawang paaralan sa Zamboanga City kasunod ng pagdami ng lamok sa lugar.

Kinansela ang pasok sa Zamboanga City High School at sa Immaculate Conception Archdiocesan School sa Barangay Tetuan para isailalim sa fumigation ang mga silid aralan maging ang paligid nito dahil sa pagdami ng lamok.

Ayon kay City health officer Dulce Miravite, maaaring galing ang mga lamok sa drainage system kasunod ng pagbaha na naranasan noong lunes.

Kumuha na ng sample ng lamok para masuri at matiyak kung nagdadala ng dengue ang mga ito.

TAGS: Dengue, Immaculate Conception Archdiocesan School, Zamboanga City High School, zamboanga school, Dengue, Immaculate Conception Archdiocesan School, Zamboanga City High School, zamboanga school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.