Public apology hiling ng waiter na sinaktan ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos

By Jimmy Tamayo July 12, 2019 - 12:08 PM SHARE(S):

Hinihiling ng waiter na binatukan ni Ang Probinsyano partylist Representative Alfred Delos Santos na mag-public apology ang mambabatas.

Kinumpirma ni Christian Ken Alejo, ang 20-anyos na waiter, na personal siyang pinuntahan ng mambabatas para mag-sorry pero hiniling nito kay Delos Santos na sa taumbayan dapat humingi ng dispensa at sabihin ang totoong nangyari.

Sa isang panayam, nilinaw din Alejo na hindi totoo ang kumakalat sa social media na hinihingan lamang niyang ng pera ang kongresista.

Nauna nang pina-blotter ni Alejo si Delos Santos matapos siyang batukan sa harap ng iba pang kostumer sa isang restauran sa Legaspi City.

Ang video ng insidente ay kumalat at naging viral sa social media.

Sa panig ng mambabatas, sinabi nitong nag-init ang kanyang ulo dahil may binubulong diumano ang waiter na hindi niya nagustuhan.

TAGS: Ang Probinsyano party-list, Rep. Alfred Delos Santos, Ang Probinsyano party-list, Rep. Alfred Delos Santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.