Australian, 6 na iba pa, arestado sa buy-bust sa Pampanga

July 12, 2019 - 11:51 AM SHARE(S):

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Australian national at anim na iba sa ikinasang buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay PDEA Central Luzon Dir. Gil Pabilona, sinalakay nila ang isang drug den sa lungsod, Huwebes (July 11) ng gabi.

Nadakip sa nasabing drug den ang Australian na si George Georgeff, 38 anyos; at mga Pinoy na sina Roque Rosielda, 50; Arnold Padilla, 25; Emmanuel Gaddi, 39; Roland Geraldo, 29; Norman Rivera, 18; at Raddy Tabuso, 46.

Ayon kay Pabilona si Rosielda ang nagme-mentina ng drug den at ang mga kasamahan niya ay kilalang sangkot sa illegal drug activities sa lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachets ng hinihinalang shabu na aabot sa P136,000 ang halaga.

Nakakulong na ngayon sa PDEA jail facility sa San Fernando City ang mga suspek.

TAGS: Pampanga, PDEA, Radyo Inquirer, Pampanga, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.