LOOK: Grupo ng TNVS drivers at operators nagsagawa ng protest caravan

Nagsagawa ng protest caravan ang grupo ng rransport network vehicle services (TNVS) drivers at operators para isulong ang pagkakaroon ng polisiya para sa kanila.

Mula sa People Power Monument ay nagsagawa ng caravan ang grupo patungong Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Panawagan nila sa LTFRB at sa House of Representatives nagsulong ng batas na maglalatag ng malinaw na polisiya para sa TNVS.

Anila ‘pahirap’ at ‘magulo’ ang kasalukuyang polisiya ng LTRFB lalo na tungkol sa aplikasyon at pagpaparehistro.

Ayon sa grupo, hindi naman nila kasalanan kung bakit marami sa kanila ang hindi makapag-renew ng kanilang provisional authority dahil mismong ang LTFRB na ang umamin na kulang sila sa tao.

Mula LTFRB, nagtungo pa hanggang Kamara ang protest caravan.

Read more...