Imbestigasyon ng UN Human Rights Council hindi na kailangan – Sen. Lacson
Hindi kailangan ng Pilipinas ang panghihimasok ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) para imbestigahan ang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.
Sinabi ito ni Senator Panfilo Lacson makaraang paburan ng 18 mga member state ang resolusyon para imbestigahan ng UNHRC ang patayang nagaganap sa bansa sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon.
Ayon sa senador, ‘functional’ ang criminal justice system ng bansa at napapanagot ang mga alagad ng batas na nakagagawa ng paglabag.
Maliban dito, may sapat na pondo rin aniya ang Commission on Human Rights (CHR) upang magawa nito ang mandato nito.
Malinaw ayon kay Lacson na hindi na kailangan pa ng intervention ng UN Human Rights Council para maimbestigahan ang human rights situation sa Pilipinas dahil kaya itong gawin ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.