Ayon kay incoming House Speaker Alan Peter Cayetano, sisikapin nilang maipasa ang 2020 national budget sa Oktubre bago ang kanilang unang session break.
Kasama rin sa agenda ng Kamara ang lahat nang natitirang tax measures ng administrasyong Duterte na nagawa namang maipasa noong nakaraang Kongreso pero hindi tuluyang naisabatas.
Gayundin, sinabi ni Cayetano na susubukan nilang magpasa ng tatlong local bills ng bawat kongresista para naman sa pakinabang ng kanilang mga distrito.
Bibigyan aniya ng pagkakataon ang bawat miyembro na maisulong ang kanyang top 5 national at top 5 local bills.
Plano rin ng susunod na liderato na magkaroon ng monthly meeting sa kanilang counterpart sa senado at maging sa ehekutibo para mapabilis ang pag-apruba sa mga legislative agenda.