National budget at tax measures prayoridad ng Kamara sa 18th Congress

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 10:36 AM

Sa pagbubukas ng 18th Congress Uunang aatupagin ng mga kongresista ang pagpasa sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Ayon kay incoming House Speaker Alan Peter Cayetano, sisikapin nilang maipasa ang 2020 national budget sa Oktubre bago ang kanilang unang session break.

Kasama rin sa agenda ng Kamara ang lahat nang natitirang tax measures ng administrasyong Duterte na nagawa namang maipasa noong nakaraang Kongreso pero hindi tuluyang naisabatas.

Gayundin, sinabi ni Cayetano na susubukan nilang magpasa ng tatlong local bills ng bawat kongresista para naman sa pakinabang ng kanilang mga distrito.

Bibigyan aniya ng pagkakataon ang bawat miyembro na maisulong ang kanyang top 5 national at top 5 local bills.

Plano rin ng susunod na liderato na magkaroon ng monthly meeting sa kanilang counterpart sa senado at maging sa ehekutibo para mapabilis ang pag-apruba sa mga legislative agenda.

TAGS: 18th congress, House of Representatives, Radyo Inquirer, 18th congress, House of Representatives, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.