PGH muling humingi ng pang-unawa dahil sa siksikan na emergency room

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 10:23 AM

Patuloy ang panawagan ng Philippine General Hospital (PGH) sa publiko na kung maari ay magpatingin o sumangguni muna sa ibang ospital.

Kasabay ito ng muling paghingi ng paumanhin at paunawa ng PGH dahil sa sitwasyon sa kanilang emergency room at intensive care unit.

Sa pahayag ni PGH Dir. Dr. Gerardo Legazpi, idinahilan nito ang isinasagawang renovation sa kanilang ER na nagsimula noon pang Hunyo 2018 at inaasahan na matatapos sa darating na Enero.

Ayon naman kay Nomer Agana, security officer ng PGH, hindi na bago ang pagsisiksikan ng mga pasyente at bantay.

Aniya hindi naman nila maaring pagbawalan ang pagpasok ng mga pasyente.

Paliwanag nito, kapag may dumating na pasyente sila ay susuriin muna ng doctor at ito na ang magsasabi kung kailangan na i-admit ang pasyente depende sa kondisyon o sakit nito.

Dagdag pa ni Agana madalas na lang nilang pakiusapan ang mga bantay na kung maari ay lumabas na lang muna para makabawas ng tao sa ER.

Nabatid na ang kasalukuyang ER ngayon ay may bed capacity na 25 hanggang 35 lang ngunit kadalasan ay lumulobo sa 200 ang pasyente doon.

Ngayon ay halos walang pagbabago ang sitwasyon dahil umaapaw pa rin sa pasilyo ang mga pasyente at bantay.

Hindi rin naman na makaangal ang mga pasyente at bantay dahil kahit malayo sa kanila ang PGH, ito lang ang pampublikong ospital sa bansa na kumpleto ang mga espesyalista at kagamitan.

TAGS: Emergency Room, pgh, Radyo Inquirer, Emergency Room, pgh, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.