CHR pinayuhan ang gobyerno na makipagtulungan sa imbestigasyon ng UN council sa sitwasyon ng human rights sa bansa

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang resolusyon ng UN Human Rights Council para imbestigahan ang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.

Payo ng CHR sa pamahalaan, bilang miyembro ng council, dapat ay makipag-cooperate ito sa imbestigasyon ng UNHRC.

Dapat umanogn patunayan ng Pilipinas na sinsero ito sa pagtugon sa universal values at tinitiyak ang pagrespeto at pagsunod sa globally accepted norms kaugnay sa human rights.

Sinabi ng CHR na ang resolusyon ng UNHRC ay oportunidad para sa pamahalaan na pagbutihin pa ang sitwasyon ng human rights sa bansa.

Payo din ng CHR sa gobyerno, i-review ang mga misguided na polisiya tungkol sa usapin ng karapatang pantao lalo na ang hindi pagbibigay ng access sa Special Mechanisms on Human Rights.

Read more...