FB page ng Parokya ni Edgar, aktibo na muli matapos mapasok ng hackers

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 09:52 AM SHARE(S):

Balik na muli ang Facebook page ng bandang Parokya ni Edgar.

Anim na linggo ring hindi naging aktibo ang FB page ng banda dahil pinasok ito ng hackers.

Nakapag-post na rin ng video si Chito Miranda sa nasabing Facebook page.

Ayon kay Miranda, anim na linggo nilang pinagsumikapan na mabawi ang FB page.

Ilang beses aniya silang nagreport, umapela at nag-email sa Facebook.

Pinasalamatan din ni Chito ang mga tumulong sa kanila para mabawi ng Parokya ni Edgar ang Facebook page.

TAGS: facebook page, hackers, Parokya ni Edgar, facebook page, hackers, Parokya ni Edgar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.