Driver sugatan matapos bumangga ang minamanehong pick up sa barrier sa Quirino Highway

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 09:44 AM SHARE(S):

Isa ang nasugatan makaraang sumalpok ang isang pick up sa concrete barrier sa Quirino Highway sa North Luzon Expressway sa Balintawak, Biyernes (July 12) ng umaga.

Ayon sa driver ng pick up na si Jason, galing siya ng Quezon City at patungo sa Bulacan nang masalpok niya ang concrete barrier.

Sa lakas ng pagkakabangga ay bumaligtad ang sasakyan at nasugatan sa braso aang driver.

Ani Jason, walang reflector ang barrier kaya hindi niya ito napansin.

Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic ang naturang aksidente.

Pasado alas 7:30 ng umaga nang maialis na sa lugar ang naaksidenteng sasakyan.

TAGS: accident, Quirino Highway, Radyo Inquirer, accident, Quirino Highway, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.