Tatlong private emission testing center pinatawan ng suspensyon ng DOTr

Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong Private Emission Testing Center (PETC).

Ito ay makaraang matuklasan ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES) ng DOTr na namemeke ng resulta ng emission test ang mga ito.

Kabilang sa sinuspinde ang mga sumusunod:

– Private Emission Testing Center sa Tacurong City, Sultan Kudarat
– Sarangani Private Emission Testing Center sa Alabel, Sarangani
– Porac Private Emission Testing Center sa Porac, Pampanga

Ayon sa DOTr, epektibo sa loob n g90 araw ang suspensyon.

Read more...