Bulgarian model itinanghal na Man of the World 2019; pambato ng Pilipinas nagtapos sa 4th runner-up

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 09:04 AM SHARE(S):

Itinanghal na Man of the World 2019 ang pambato ng Bulgaria na si Daniel Georgiev.

Tinalo niya ang 29 na iba pang kalahok sa 2019 Man of the World sa coronation night na idinaos sa San Juan City, Philippines.

Sa Q and A binanggit ni Daniel ang kahalagahan ng edukasyon at nangakong
magsisilbi siyang inspirasyon sa sa mga kabataang ayaw pumasok sa paaralan.

Nagtapos naman sa 4th runner-up ang pambato ng Pilipinas na si John Paul Ocat.

1st runner-up ang Korea, 2nd runner-up ang Brazil, at 3rd runner-up ang Czech Republic.

Ito na ang ikatlong edisyon ng Man of the World na inorganisa ng Prime Event Productions Philippines Inc.

TAGS: coronation night, man of the world, Pageant, San Juan City, coronation night, man of the world, Pageant, San Juan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.