Lalaking bagong laya sa kulungan patay sa buy-bust sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 08:26 AM SHARE(S):

Patay ang isang lalaki na kalalaya lamang sa kulungan makaraang manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Davao City.

Kinilala ang suspek na si Adon Rubiato na nasawi sa engkwentro sa mga pulis sa Barangay Lizada Toril, Biyernes (July 12) ng madaling araw.

Ayon kay Police Lt. Col. Jed Clamor, station commander ng Toril Police, pinaputukan ng suspek ang mga pulis na nagkasa ng buy-bust dahilan para gantihan nila ito ng putok.

Hindi naman nasugatan ang pulis na nagpanggap na buyer dahil nakasuot ito ng bullet-proof vest.

Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng 9mm na baril at isang revolver na ginamit ng suspek.

Dati nang nakulong ang suspek sa kasong may kinalaman din sa ilegal na droga.

TAGS: buy bust, Davao City, encounter, War on drugs, buy bust, Davao City, encounter, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.