Makilala, North Cotabato patuloy na nakararanas ng aftershocks

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 07:57 AM SHARE(S):

Patuloy na nakararanas ng aftershocks sa Makilala, North Cotabato matapos ang tumamang magnitude 5.6 na lindol doon.

Sa datos ng Phivolcs, alas 6:48 ng umaga ngayong araw ng Biyernes, July 12, nakaranas ng magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng Makilala.

May lalim itong 11 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala ang sentro ng pagyaniig sa 16 kilometers southwest ng Makilala.

Naitala naman ang Instrumental Intensity III sa Kidapawan City bunsod ng nasabing pagyanig.

TAGS: aftershocks, makilala, North Cotabato, phivolcs, aftershocks, makilala, North Cotabato, phivolcs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.