Yellow alert 11 oras na iiral sa Luzon Grid
Labing-isang oras na iiral ang yellow alert sa Luzon Grid ngayong araw ng Biyernes, July 12.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nananatiling manipis ang reserba ng kuryente sa Luzon.
Mayroong available capacity ngayong araw na 11,208MW habang aabot sa 10,738MW ang peak demand.
Ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon at alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng gabi.
Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational brownout pero pinapayuhan ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.