Antas ng tubig sa Angat dam lalo pang bumaba

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2019 - 07:48 AM SHARE(S):

Sa nakalipas na 24 na oras, nabawasan muli ang antas ng tubig sa Angat dam.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes (July 12) nasa 159.69 meters na lang ang water level ng Angat.

Mas mababa na ito sa critical level ng naturang dam.

Nabawasan din ang water level sa La Mesa dam at ngayon ay nasa 72.06 meters na lamang.

Wala namang pagbabago sa water level ng Ipo dam na nasa 99.40 meters.

Ang water level sa Ambuklao dam ay bahagyang nadagdagan, habang pawang nabawasan ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon.

TAGS: angat dam, dam status, hydrology, water level, angat dam, dam status, hydrology, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.