Sa kabila ng babala ng Beijing, presidente ng Taiwan bumisita sa Estados Unidos
Kahit may babala ang Beijing itinuloy ni Taiwanese President Tsai Ing-wen ang pagbisita sa Estados Unidos.
Dumating na sa US si Tsai para sa kaniyang apat na araw na pagbisita doon.
Wala namang impormasyon kung magiging bahagi ng pagbisita ni Tsai ang pakikipagpulong sa mga opisyal ng White House.
Pero nauna nang nagbabala ang Beijing at nanawagan sa US na huwag payagan ang pagtungo doon ni Tsai.
Ayon naman sa US State Department, kahit tinutulungan nito ang Taiwan ay walang pagbabago sa kanilang stand tungkol sa ‘one-China’ policy at opisyal nitong kinikilala ang Beijing at hindi ang Taipei.
Kabilang sa bibisitahin ni Tsai ang mga miyembro ng Taiwanese community sa New York.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.