Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 2,275 kilometers east ng HInatuan, Surigao del Sur.
Sa Linggo o Lunes ay inaasahang papasok sa bansa ang LPA at malaki ang posibilidad na ito ay magiging isang ganap na bagyo.
Ang trough o extension ng nasabing LPA ay magpapaulan sa buong Mindanao at sa Eastern Visayas.
Babala ng PAGASA ang malalakas na pag-ulang mararanasan ay maaring magdulot ng pagbaha at landslides.
Apektado naman ng Southwest Monsoon o habagat ang extreme northern Luzon.
Habang ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, localized thunderstorms lamang ang iiral.
MOST READ
LATEST STORIES