2 lalaki arestado sa buy-bust operation sa Pasay

By Rhommel Balasbas July 12, 2019 - 04:30 AM SHARE(S):

Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 187, Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas ‘Coco’ 34 anyos at alyas ‘Onse’ 30 anyos

Ayon kay Pasay City Police Drug Enforcement Team chief Police Major Wilfredo Sangel, nasa drug watchlist ang dalawang suspek.

Positibong nabilhan ng P300 na halaga ng shabu ang mga suspek kaya’t agad inaresto ang mga ito.

Nakuha mula sa dalawa ang 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P5,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Drug Enforcement Team, drugs wathclist, Pasay, Pasay City Police, Police Major Wilfredo Sangel, shabu, arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Drug Enforcement Team, drugs wathclist, Pasay, Pasay City Police, Police Major Wilfredo Sangel, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.