Ipinahayag ni DILG Sec. Eduardo Año na sa tulong at suporta ng mga local based institutions ay matagumpay na naiakma ng mga law enforcement agencies ang kanilang mga operasyon kontra krimen na nagdulot ng pagbaba ng bilang ng krimen mula 488,644 noong Hulyo 2017 hanggang Hunyo 2018 sa 438,496 sa parehas na panahon noong 2018-2019.
Sa kampanya laban sa iligal na droga, buong pagmamalaking sinabi ng DILG Chief na 12,099 na mga barangay na ang idineklarang drug-free bunga ng suporta at pagbabantay ng mga mamamayan.
Mayroon na ring 172 drug-free na mga bilangguan kumpara sa 74 lamang noong 2018 at ito ay dulot naman nang pinaigting na hakbang ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na linisin ang mga piitan sa iligal na droga.
Habang aabot sa 1.3 milyong drug surrenderers ang nabigyan ng pagkakataon makapagbagong buhay ng pamahalaan.