Nakaranas ng aberya ang major social networking site na Twitter sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Marami sa mga Twitter users ang nagpost sa pamamagitan ng Facebook na hindi nila ma-access ang Twitter sa web at mobile devices.
Nagsimulang maranasan ang outage bago mag-alas-3:00 ng madaling-araw sa Pilipinas.
Ayon sa DownDetector.com, isang site na nagmomonitor ng aberya sa social media, karamihan sa nakararanas ng Twitter outage ay sa Estados Unidos, Europa at Japan.
Bandang alas-3:35 ng madaling araw sa Pilipinas ay nagbalik na sa normal ang Twitter.
Magugunitang noong July 4 ay nagkaaberya rin ang Facebook, Instagram at WhatsApp.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.