Keith Thurman naniwalang siya ang bagong Manny Pacquiao

By Len Montaño July 12, 2019 - 03:31 AM SHARE(S):

Hayagang sinabi ni WBA Super World Welterweight champion Keith Thurman na siya ang bagong Manny Pacquiao.

Sa isang panayam ay sinabi ni Thurman na laging magaganda ang kanyang laban gaya ng mga laban ni Pacquiao.

Dagdag ni Thurman, siya ang “most entertaining fighter” sa welterweight division sa ngayon.

Manalo o matalo man anya ay entertainment ang kanyang dala.

Ang eight-division champion na si Pacquiao ang maituturing ng most entertaining fighter of all time.

Mula 2001 hanggang 2011, nagtala ang pambansang kamao ng 22-1-2 winning titles sa anim na weight classes at sa 22 na panalo ay 14 ang knockout.

Si Thurman naman, bagamat hindi pareho ng estilo ni Pacquiao, ay mayroong 22 knockouts, pinakahuli noong 2013 nang talunin nito si Jesus Soto Karass at maging interim WBA World Welterweight champion.

 

TAGS: entertaining fighter, Keith Thurman, manny pacquiao, most entertaining fighter of all time, Pambansang kamao, WBA World Welterweight champion, entertaining fighter, Keith Thurman, manny pacquiao, most entertaining fighter of all time, Pambansang kamao, WBA World Welterweight champion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.