House speakership bets Cayetano, Romualdez, Velasco nagpulong sa Taguig

By Rhommel Balasbas July 12, 2019 - 03:11 AM SHARE(S):

Nagpulong ang tatlong kongresista na nag-aagawan sa House Speakership sa Taguig City, Huwebes ng gabi.

Naganap ang paghaharap nina Taguig Representative Alan Peter Cayetano, Marinduque Representative Lord Allan Velasco, at Leyte Representative Martin Romualdez sa pulong ng PDP-Laban.

Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Cayetano na sakaling iboto siya bilang Speaker ng Kamara para sa 18th Congress ay magpapatupad siya ng constitutional reforms.

Siniguro rin ni Cayetano sa mga kongresistang miyembro ng PDP-Laban ang pondo ng gobyerno para sa pag-unlad ng kanilang nasasakupang mga distrito.

Tiniyak ng mambabatas na walang mapag-iiwanan at iiyak sa kanyang liderato.

Magugunitang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano, ang kanyang running-mate noong 2016 elections bilang susunod na pinuno ng Kamara.

TAGS: 18th congress, alan peter cayetano, house speaker, Lord Allan Velasco, Martin Romualdez, PDP Laban, taguig, 18th congress, alan peter cayetano, house speaker, Lord Allan Velasco, Martin Romualdez, PDP Laban, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.