Kylie Padilla buntis sa 2nd baby nila ni Aljur Abrenica

By Len Montaño July 12, 2019 - 02:35 AM SHARE(S):
upBuntis ang aktres na si Kylie Padilla sa ikalawang baby nila ng asawang si Aljur Abrenica.

Ayon sa ulat, sa November ang due date ni Kylie at sabay ito sa inaasahang petsa ng kapanganakan ng kanyang stepmother na si Mariel Rodriguez na asawa ng amang si Robin Padilla.

Magda-dalawang taong gulang na ang panganay nina Kylie at Aljur na si Alas Joaquin.

Sa gitna ng remake-sequel ng fantaseryeng Encantadia noong 2017 nang inanunsyo ng aktres ang unang pagbubuntis nito.

Nag-concentrate si Kylie sa kanyang pagbubuntis at August 5 ng parehong taon ay ipinanganak nito ang panganay.

Nagpakasal naman sina Kylie at Aljur noong nakaraang taon.

 

TAGS: 2nd baby, Aljur Abrenica, buntis, due date, Kylie Padilla, Mariel Rodriguez, november, robin padilla, 2nd baby, Aljur Abrenica, buntis, due date, Kylie Padilla, Mariel Rodriguez, november, robin padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.