Pilipinas umangat ang pwesto sa World Peace Index

By Rhommel Balasbas July 12, 2019 - 02:22 AM

Bahagyang gumanda ang ranggo ng Pilipinas sa listahan ng most peaceful countries sa buong mundo.

Batay sa 2019 Global Peace Index, pang-134 ang Pilipinas sa 163 bansa, o tatlong pwesto na mas mataas mula sa pang-137 noong nakaraang taon.

Sa Asia-Pacific, ang Pilipinas ay pang-18 sa least peaceful countries na halos nakikipaggitgitan sa North Korea sa pinakamababang pwesto.

Least peaceful din ang Pilipinas sa Southeast Asia kung saan pinakapayapang bansa ang Singapore na pampito sa overall 2019 GPI.

Ang GPI ay inilalabas ng Institute for Economics and Peace (IEP) sa Sydney kung saan niraranggo ang bawat bansa sa antas ng kapayapaan batay sa tatlong salik: level of safety and security; extent of ongoing domestic and international conflict; at degree of militarization.

Kabilang ang Pilipinas sa siyam na bansa na may mataas na panganib ng multiple climate hazards ayon sa IEP.

Samantala, nananatiling pinakamapayapang bansa sa buong mundo ang Iceland na hawak na ang pwesto mula pa taong 2008.

Least peaceful countries naman ang Afghanistan, Syria, South Sudan, Yemen at Iraq.

 

TAGS: gumanda ang ranggo, Institute for Economics and Peace, least peaceful countries, most peaceful countries, multiple climate hazards, Pilipinas, umangat ang pwesto, World Peace Index, gumanda ang ranggo, Institute for Economics and Peace, least peaceful countries, most peaceful countries, multiple climate hazards, Pilipinas, umangat ang pwesto, World Peace Index

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.