64 na tauhan ng Bureau of Customs sisibakin ni Duterte dahil sa kurapsyon

Nasa 64 na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang sisibakin sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa alegasyon ng kurapsyon.

Ayon sa Pangulo, ipinatawag niya sa Malakanyang sa Lunes ang mga Customs personnel para malaman ang kanilang panig.

“I will be dismissing something like 64 Customs officials…In the meantime that the cases are being heard, in obedience with the rule of the right to be heard, I want [them] to be here in Malacanang,” ani Duterte.

Sinabi ni Duterte na ang pagtanggal sa mga opisyal at empleyado ng BOC ay dahil sa problema sa katiwalian sa ahensya.

Unang sinabi ng Pangulo na kakasuhan ang mga sangkot sa BOC personnel pero sinabi nito kalaunan na maaari silang maabswelto kung magbibitiw sa pwesto ang mga ito.

Ayon sa Pangulo, makabubuting magbitiw na lang sa pwesto ang mga taga Customs na sangkot sa kurapsyon o harapin ang karampatang kasong isasampa laban sa kanila.

Ipinapasa naman ng Presidente sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa 64 Customs personnel.

Tungkulin anya ng Ombudsman ang paglilitis sa mga tiwaling opisyal dahil sila ang mayroong prosecutorial powers.

Bahala na anya ang Ombudsman na papanagutin ang mga sisibakin niyang empleyado ng BOC.

Read more...