Duterte: Panelo ‘good match’ kay Amal Clooney

By Chona Yu July 12, 2019 - 01:29 AM SHARE(S):

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na “good match” ang banggan nina Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at international human rights lawyer Amal Clooney.

Pahayag ito ng Pangulo matapos mag-boluntaryo si Clooney na maging bahagi ng legal team ni Rappler chief executive officer Maria Ressa kaugnay sa kinakaharap nitong mga kasong tax evasion at cyberlibel.

Ayon sa Pangulo, magandang labanan at tagisan ng isip ang tapatan nina Clooney at Panelo.

Kumpiyansa rin si Pangulong Duterte na kayang tapatan ni Panelo si Clooney.

Pabiro pang sinabi ng Pangulo na crush ni Panelo si Clooney.

TAGS: amal clooney, crush, good match, Maria Ressa, Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo, rappler, amal clooney, crush, good match, Maria Ressa, Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo, rappler

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.