Bus nasunog sa Caloocan

By Len Montaño July 11, 2019 - 11:35 PM SHARE(S):
Screengrab of BMA Fire Volunteer video

Tinupok ng apoy ang isang pampasaherong bus sa EDSA sa bahagi ng Bagong Barrio, Caloocan City Huwebes ng hapon.

Ayon sa otoridad, binabagtas ng AC Trans bus na may plakang TXY 780 ang EDSA south-bound nang ito ay masunog.

Nakababa naman ang lahat ng sakay ng bus bago ito nasunog pero dalawa ang napaulat na nasugatan.

Matapos maapula ang apoy ay tinow ang naturang bus.

Nagdulot naman ng matinding trapik ang insidente.

Iniimbestigahan ng otoridad kung bakit nasunog ang bus.

TAGS: AC Trans, bus, caloocan, edsa, nasunog, tow, AC Trans, bus, caloocan, edsa, nasunog, tow

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.