Pilipinas ibinasura ang UN resolution na imbestigahan ang sitwasyon ng human rights sa bansa
Ibinasura ng gobyerno ng Pilipinas ang tinatawag nitong “politically partisan and one-sided” na resolusyon na magbibigay-daan sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa sitwasyon ng human rights sa bansa.
Sa kanyang statement na binasa ni Philippine’s Permanent Representative to the United Nations Even Garcia matapos paboran ng UNHRC ang resolusyon ng Iceland sa 41st session sa Geneva araw ng Huwebes, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi susundin ng bansa ang naturang resolusyon.
“The Philippines rejects this resolution. It cannot, in good conscience, abide by it,” nakasaad sa pahayag.
Iginiit sa statement ni Locsin na hindi tatanggapin ng bansa ang resolusyon na umanoy malayo sa katotohanan.
“We will not accept a politically partisan and one-sided resolution, so detached from the truth on the ground,” ani Locsin.
Nanindigan ang bansa na nasa gobyerno ang kapangyarihan na protektahan ng karapatang pantao.
“We invoke the government’s great power – and therefore, commensurate responsibility – to protect human rights as multilateral bodies cannot. Foremost among those rights is the right to be protected from crime by the state,” dagdag ng Kalihim.
Minaliit pa ng Pilipinas ang resolusyon at sinabi na nang-iinsulto lamang ang naturang council.
“Do not presume to threaten states with accountability for a tough approach to crushing crime, at which some of your countries are complicit at worst and tolerant at best…You don’t have the wherewithal, so all you can do is insult. The United Nations is a collection of sovereignties and not a sovereign collective.”
Argumento pa ni Locsin, ang resolusyon ay hindi “universally adopted” kaya kwestyunable ang validity nito.
Nagbanta rin si Locsin na magkakaroon ng “consequence” ang hakbang ng UNHRC at sinabi pa nito na bagamat malakas ang tukso na kumalas ang Pilipinas sa isyu, patuloy na isusulong ng bansa ang karapatang pantao.
Ang Labing-walo sa 47 na miyembro ng UNHRC na bumoto pabor sa resolusyon ay ang sumusunod: Austria, Belgium, Canada, Czechia, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Ireland, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Malta, Monaco, Montenegro, Netherlands, New Zealand, Poland, Portugal, Romania, San Marino, Slovenia, Sweden, United Kingdom of Great Britain, at Northern Ireland.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.