Senator Bong Go nanumpa bilang miyembro ng MMFF ExeCom

July 11, 2019 - 12:36 PM

Nanumpa bilang bagong miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) si Senator Christopher “Bong” Go.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Go na malaking karangalan para sa kaniya na maging kabahagi ng ExeCom ng MMFF.

Tiniyak din ni Go na kaisa siya sa hangarin na palakasin at paunlarin pa ang film industry sa bansa.

Nangako din si Go na magsusulong ng mga panukalang batas sa Senado na magbibigay proteksyon sa mga film industry worker.

Nong Miyerkules, kasama na si Go sa press briefing ng MMFF nang ihayag ang unang apat na pelikulang kasali sa festival ngayong taon.

TAGS: ExeCom, MMFF, senator bong go, ExeCom, MMFF, senator bong go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.